The Power of Protection: An OFW's Journey Home


February 29, 2024


Ang kagustuhan na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang madalas na nagtutulak sa ating mga kababayan na magtrabaho sa ibang bansa. Bagamat marami ang nagtatagumpay, marami ring mga pagsubok at hindi inaasahang pangyayari ang kinakaharap ng ating mga OFWs abroad.

Ito ay isang kwento ng ating kababayan na sumubok makipagsapalaran sa London, United Kingdom noong 2021 bilang isang registered nurse. Isa siyang community nurse na nagbibigay ng house-to-house medical services sa mga pasyente. Sa bawat pagbisita, dala nya ang tunay na kalinga at pag-aaruga kung saan kilala ang mga Pinoy nurses sa buong mundo. 

Noong nagbakasyon sya sa Bacolod noong 2022, masaya niyang ibinahagi sa kanyang pamilya at mga kaibigan kung gaano niya kamahal ang kanyang trabaho sa UK. Hindi niya alam na biglang magbabago ang kanyang buhay nang ma-diagnose siya ng stage 4 gastric cancer noong 2023. With the heartbreaking news, hindi niya ipinaalam sa kanyang pamilya ang kanyang kondisyon. Ang fiancée niya lang ang nakakaalam, at ang Compassionate Visit Benefit ng OFW Insurance mula sa  Paramount Life & General Insurance Corporation (PLGIC) ang tumulong sa kanya na makalipad patungong UK upang damayan siya.

Sa paglala ng kanyang sakit despite receiving medical care, nagdesisyon sila na umuwi na lamang sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kaniyang kondisyon, hindi sya maaaring lumipad lulan ng isang commercial airline kaya’t nagtulungan ang iba’t ibang pribadong ahensya, sa pangunguna ng PLGIC, at mga sangay ng gobyerno para sa kaniyang ligtas na Medical Repatriation kung saan siya ay nakauwi sa Bacolod sakay ng isang private plane mula London. Kasama niya sa eroplano ang kanya ngayong asawa, doktor, at registered nurse. 

Ang kakayahan at kapasidad ng PLGIC na mag-organize ng isang kumplikadong medical evacuation ay nagpapakita ng kahalagahan ng OFW Insurance sa pagbibigay ng financial protection at peace of mind sa mga OFW at kanilang pamilya sa panahon ng krisis. Bukod sa medical repatriation, ang OFW Insurance ng PLGIC ay may kalakip na iba pang benepisyo tulad ng Natural at Accidental Death, Permanent Total Disablement and Dismemberment, at Subsistence Allowance. Ang mga benepisyong ito ay nagsisilbi bilang safety net ng mga OFWs laban sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ito ay isa lamang sa mga nakakalungkot na kwento ng ating mga OFWs. Maliban sa sakit, mayroon ding mga insidente ng pagmamaltrato, diskriminasyon, maling paratang, trafficking, at murder kung kaya’t mas kinakailangan ng ating OFWs ang proteksyon habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa huli, ang bawat malungkot at kalugmok lugmok na kwento ng mga OFWs ay sumasalamin sa kanilang katatagan at determinasyon na maitaguyod ang kanilang pamilya. Ito ay isang patunay ng Filipino resilience at ang kahalagahan ng pagiging handa sa kahit anong dagok na maaring dumating sa buhay.

Kung ikaw ay isang OFW o may kapamilya o kaibigan na nagtatrabaho abroad, mahalagang magkaroon ng proteksyon sa pamamagitan ng OFW Insurance. Para sa hassle-free application, pumunta lamang sa https://plgic.ph/OFW.


Back